P r a g m a t i c D r e a m e r |
Monday, March 15, 2004
Siguro tumatanda na nga ako. At kasama sa pagtanda ay yung pagma-mature ng isip... Noong una, umalis ako kasi wala syang oras sa akin. Napakadalang naming magkita, napakadalang mag-usap sa telepono. Sa isang taong naging kami, siguro tatlong buwan lang talaga kami nagkita at nagkausap. At marahil dahil sa bata pa ako, kaagad akong sumuko. Kaagad akong umayaw. Sa pangalawa, umalis na naman ako dahil sinabi ko malayo... d ko kaya ang layo. Gusto ko and2 sya. Mahirap pag malayo. You grow apart. Ngayon... ganito na naman... walang oras para sa akin. Madalang magkita. Laging nasa trabaho... Napansin nyo ba, agad akong sumusuko? Sabi nung pangalawa sa akin masyado daw akong selfish, iniisip ko lang daw ang aking sarili... kung saan ako masaya, dun ako. pag dumadaan na sa problema, labas na ka agad ako. Sabi nya I only think of myself. Masakit marining yun mula sa kanya... ngunit tama sya. Napansin ko nga na ganun ang ginagawa ko... Pero iba na ngayon. Pipilitin kong intindihin na hindi sa lahat ng oras ay nandyan sya. Hindi sa lahat ng oras matatakbuhan ko sya. Hindi sa lahat ng oras makikita ko sya. His world doesn't revolve around me. Got to remember that. Got to understand that. Pero ang hirap kasi e. Lalo na ngayon, I miss him so much. Ayokong masanay na ganito...
Comments:
Post a Comment
|
About Me Joyce. Contact me at b l u e b l i n k 1 3 8 2 at yahoo dot com
My past...
design by maystar powered by blogger |