P r a g m a t i c D r e a m e r
Monday, October 20, 2003

Bakit ganon?

Ayan na naman ako... natatakot na namang magtanong. Ayoko na nito. Nagsisimula na naman ba? Akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba nakalimutan mo na sya? Akala ko ba ako na talaga? Bakit ganun ka? Sabi mo hihintayin mo ako. Sabi mo di mo na ako papaiyakin. Hindi ba sabi mo, nung pangalawang beses mo na itong ginawa, titigil ka na. Di ba sabi mo ako na ang pinili mo at hindi sya? Dba sabi ng kaibigan mo wala na sya sa buhay mo? Nagsinungaling ba sya sa kin? Nagsinungaling ka ba sa kin?

Bakit ganon, pinapaiyak mo na naman ako? Bakit ganon, wala na naman akong magagawa ngayon. Gaya noon, wala akong nagawa kasi alam ko kung gaano mo sya minahal. Ngayon, wala akong magawa kasi malayo ako. At kung sakali mang andyan ako, may magagawa ba ako?

Paulit-ulit na lang ito. Ilang beses mo na ba akong sinaktan? Di ko na ata mabilang. Napapagod na ako. Akala ko numb na ang puso ko, sinabi ko sa sarili ko na handa na ako, kasi naramdaman ko na ito dati, mali pala ako, dahil kahit ilang beses pa itong mangyari, yun pa rin ang mararamdaman ko... parang guguho na naman ang aking mundo.

Ang daya mo naman e. Pinaniwala mo ako na mahihintay mo talaga ako. Kung kailan pa naman nagsisimula na talaga akong maniwala na tayo na talaga forever and ever. Ipupukpok ko na ata ulo ko sa pader. Di na ako nadala. Sabi ko na nga ba e, dapat pinakinggan ko ang bulong ng isip ko, "long distance relationships do not work." I should've known.

Bakit ganon? Kasalanan ko rin naman kasi e, binuksan ko ang email account mo, ayan tuloy nabasa ko pa ang sulat nya sa yo. Ignorance is bliss, ika nga nila. Pero ngayong nalaman ko na nga, syet! Ang sakit. Sana di ko na lang pinakialaman ang mga email messages mo.

Ngayon, natatakot akong magtanong sa yo ng diretso. Sya pa rin ba ang laman ng puso mo? Paano na ako? Paano na ang mga pangako mo? Natatakot kasi ako na malaman mismo sa bibig mo na mahal mo pa rin sya. Natatakot ako na marinig ulit na "kasalanan ko bang magmahal ng dalawang tao."

Syet pare, ang sakit naman. Ayoko ng umiyak. Pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako iiyak pa, kasi akala ko naiyak ko na lahat ng mga luha sa aking mata nuong unang nangyari ito sa atin, pero eto na naman ako, umiiyak na naman. Ayoko na. Napapagod na ako.

Kaya pala ang hirap na bumalik ang tiwala ko sa yo, kasi di mo na pala deserve ang tiwala ko.

Sana I'm just jumping to conclusions. Sana mali pala ang akala ko. Sana mali ang interpretation ko sa sinulat nya sa yo.

Kasi pag nagkataon na tama pala ang aking hinala, di ko na alam ang gagawin ko. Ayoko ng umiyak, pero bakit tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko?

Ang sakit-sakit. Yung bang sana may magagawa ako. Sana maipaglalaban ko ulit ang love ko, pero ang hirap, malayo ako.


***
Oh lord, here I go again. And to think that I said I was feeling romantic on my last post.

Shit. My friends are right. I am a martyr.

This has got to stop.

I can't take it anymore.

Please, help me forget.

posted at 10:17 PM by joyce

Comments: Post a Comment

About Me
Image hosted by Photobucket.com
Joyce. 22 23 24. Filipino. Journalism graduate. working student. Scorpio. chocolate lover not anymore.collects teddy bears shoes.drama queen. crybaby. book lover.frustrated singer. good dancer. extrovert. observer. loves to daydream. has an overactive imagination. green-minded. cynical and yet romantic. sweet. internet addict. talkative. a walking contradiction . mababaw. childish . loves to laugh a lot. pretty friendly. optimistic. impulsive buyer. doormat. directionally challenged. worrywart. constantly on a diet. movie fanatic :)
Contact me at b l u e b l i n k 1 3 8 2 at yahoo dot com
I feel my moodtoday
online




My past...



Photos
Image hosted by Photobucket.com
:)
Image hosted by Photobucket.com
:)
Image hosted by Photobucket.com
:)
Image hosted by Photobucket.com


My Favorite Bloggers
suburban wit
mental foreplay
tampisaw
taglish
sapphicgirl
selene in shadows
leidy gaea
spot my blog
rock the boat
stars on hand
pretty pearl
cafe of the village nut
midnight run
sickmadworld
Winchell
Falling into the rabbit hole
rice bowl journals
Car Driver
Ala-ism
Hipstah



Credits

design by maystar
powered by blogger